LOL (Poem, with Audio Performance)

LOL, may sexual harasser nanaman na innocent,
palagi kayong falsely accused, ang drama.
Ows, palaging nagsisinungaling yung biktima?
*tawa*
Ang dami nang mga tao ang nagsabi na biniktima mo sila ah,
but you’re like OMG they are all lying,
pero kung totoo?
You’re like OMG they are all over-reacting,
pero kung di sila OA?
You’re like, in your humble opinion,
there’s never going to be enough evidence
to know what’s really true,
he said, she said
she said, she said
he said, he said.
There are no witnesses!
There is no video!
Pics or it didn’t happen!
Data Privacy Act!
LOL, style mo bulok.

Ikaw, gago kang sinungaling ka, makinig ka,
pagpalagay na natin na isang tao lang
ang lumantad laban sa iyo
at walang ibang nakakita
ng pambabastos mo
kasi smart ka naman din, diba?
Di ka naman pahuhuli kaagad.
Pero feeling mo lusot ka na?
For your information,
may kwento pa rin ang biktima,
may mga detalye ang kwento na yon.
Ang ibig sabihin nito,
palaging merong paraan
para imbestigahan ang mga detalye na yon.
Kapag ibang krimen
kailangan ba ng CCTV footage bago maimbestigahan?
Lahat ng biktima na walang CCTV footage
shut up nalang?
LOL, style mo bulok.

Pero strong pa rin eh, di matinag,
coz you’re like why don’t people follow the rotten due process?
You’re like why don’t people believe in this false moral high ground?
And you’re like why do people get angry on social media?
And you’re like why don’t people file formal cases so we can make them shut up?
*tawa*

Lahat ng gubat merong ahas
ssssssss
pero ang mga gubat ngayon
di lang ahas,
meron ding mga caretaker ng mga ahas
sssssss
alam na alam mo yon noh?
Na ang sistema ay bulok
at kung lahat kami susunod lang sa sistemang bulok,
wow, win na win ka na!
Idol!
Ang galing-galing mong magdahilan,
ang galing-galing mong magposturang santa,
ang galing-galing mong magpaikot ng iba,
hindi na kami paloloko sa iyo,
patawa ka eh,
LOL, style mo bulok.

At alam kong merong bukas
na hindi na papasa
ang mga katarantaduhang ganito,
at alam kong merong bukas
na ang biktima naman ang mananalo,
at alam kong merong bukas
na mas importante ang kapakanan ng lahat
kaysa sa reputasyon ng institusyon
at kapakanan at kondisyon
ng mga manyak na tulad mo,
at alam kong merong bukas
na may karapatan maglahad
ang biktima ng kanyang karanasan
para wakasan na ang pagsisikil
sa katotohanan,
at alam kong merong bukas
na lahat kami magsasabi sa iyo,
LOL, style mo bulok.

More Poems:

Check out my other blog categories.

If you like this post, please subscribe to this blog. Ja is also onTwitter and Facebook,Tumblr, Bloglovin (for blog,for Tumblr). Email Ja at: ageofthediary@gmail.com.

Note: For some entries in this blog, a few names and details have been deliberately and willingly changed by the author. This is a personal decision made by the author for specific reasons known to her and is not an endorsement for censorship.

All the opinions expressed in this page and in this blog are my own and do not represent the official stances of the companies, institutions, and organizations that I am affiliated with. I am a person. I’m not just a manifestation of corporate interests. I have an identity that is separate from my company because even if human beings are paid for a service by corporations, human be